Dear diary, april 23, 2025 Nagkaroon ako ng panaginip kung saan mayroon daw akong gustong puntahan na computer shop, at habang naglalakad kasama si papa ay sinab kong magpapasama ako sa kaniya sa shopwise at kung hindi ay sa max's na lang kaso ang sabi ni papa ay malayo raw kaya sinabi kong sige sa max's na lang, ngunit habang naglalakad kami ay napadaan kami sa barangay at doon ay nakilala at nakita namin yung iba naming kilala at binati kung saan nakita ko pa yung isang tanod daw na nakasama ko sa isang event at binati siya at nagmano ako, nag-usap sandali at sinabing galing akong Cainta ulit noong nakaraan. Nang nagpatuloy na kami ay may napulot akong wallet na mayroong mga laman na barya, nang tinignan ko ay nakita kong punong puno ng mga tokens ito at may lugar kung saan ito lalaruin at may 2000 na nakalagay at max's kaya doon na lang ako napagpasiyahang magpasama kay papa, pero sa shopwise naman kami unang bumaba at sinabi kong ang ganda doon at ang laki, sakto naman na matagal na akong gustong kausapin ng isa sa mga prof ko at gusto niya akong papuntahin sa office niya kahit ilang minuto lang wag daw akong umalis at habang hinihintay ko raw si papa ay maya maya pa ay nakita ko na si papa at itinuro sa prof ko na lalaki, nakipagkilala ang prof ko kay papa at doon ay umalis na ako. Habang naglalakad ay nakita ko naman na kumakain sila tita Michelle kasama ang pamilya niya at Lola Dong, bumulong daw ako kay lola Dong na ako na lang libre niya ng mami rice gayong may tumanggi sa alok niya. Inorder niya ako kaso pinaupo niya ako sa katapat niyang upuan kahit na bakante naman yung katabi niyang upuan. Maya maya nang pauwi na ako ay naririnig kong buti na lang daw ay hindi raw sila bumili ng sigarilyo noong nasa biyahe raw ang mga konduktor at driver dahil ang daming opss, nagkaroon daw kasi nang patakaran na bawal na ang paninigarilyo sa mga public places pero pwede pa naman itong gawin sa mga bahay nila. Nang makalipas ang ilang sandali ay nilusob kami ng mga uwak o crows at bawat makikita nilang ibang hayop ay kabilang pinapatay at dinudurog ang ulo. Siya namang ganoon din sa ginagawa nilang ibang tao, kapag hindi nila randam na mga ravena o ravens ito ay pinapatay nila na tulad nang nangyari sa biglaang paglusob ng mga warriors at dragon makers sa ibang may mga abilidad at titulo... Na kapag hindi nila katulad ay pinapatay nila, nagkaroon bigla ng digmaan sa buong mundo at kagagawan iyon ng mga dragon makers, warriors at ravens. Lahat ay pinapatay nila maliban sa mga bata, ngunit ang mga adolesente at mga matatanda ay pinapatay nila na salungat sa kanila. Nagkaroon pa nga ng mga digmaan kung saan kitang kita ng mga mata ko ang paglalaban ng ibang mga may abilidad laban sa dragon makers, at doon ay mayroong babaeng nakipag usap kay mama na nagtanong nang nagtanong kung gaano na raw kami katagal dito sa lugar ng Antipolo at sinabi naman ni mama na simula pa noong una, siguro mga august o Sept ng 2002 at doon ay sinabi ng babae na buti pa raw kami ay mayroong ipagmamalaki at may iku-kwento sa iba kung gaano na kami katagal at ano na ang mga karanasan namin dito. Dito nagsalita si mama na ang pangit dito at naglakad kami papunta sa bahay namin na dinurog ng digmaan at bagyo na siya namang nadoble ang pagkasira simula noong Paglusob ng mga dragon makers at mas lalo itong lumala, sinabi ko kay mama na bakit doon na lang kami nakahiga sa karton sa labas at wala man lang pader panlaban sa hangin at sinabi naman ni mama na parang hindi ko naman alam, at doon ay sinabi ko nga na nakatulog na pala ako doon nakalimutan ko lang hanggang sa nakita ko nang nagpapatuloy ay ginagawa ng mga crows sa ibang hayop na pagdurog sa mga ulo nito at kung papaano rin kamangmang o kabaliw ang mga crows dahil inuuntog din nila ang mga ulo nila kahit wala silang target. At doon na nagpatuloy ang mga ravens, warriors and dragon makers at ang iba sa pakikipagdigma at nagkaroon din naman ng mga pagdiriwang ang mga dragon makers kasama ang mga bata, maliit na bata at undecided na tao kung saan sila aanib na nakikita kong susunod sa mga yapak nila. Nakita ko rin ang mga pailaw effect nila sa parada na may mga parang nakikipagdigma ngunit sumasayaw lang naman dala ang light sticks na parang weapon. At doon ay nagising na ako
Ang panaginip na ito ay puno ng simbolismo at maaaring masalamin ang mga damdamin at situwasyon na iyong nararanasan sa buhay. Narito ang isang detalyadong interpretasyon:
Paglalakad kasama si Papa at mga Destinasyon:
Mga Kilala at Komunidad:
Wallet na puno ng tokens:
Pag-uusap sa Guro:
Crows at Ang Digmaan:
Kawalang-katiyakan at Pagsisira:
Pagdiriwang ng Dragon Makers:
Ang iyong panaginip ay tila nagpapahayag ng mga inner conflicts, posibilidad, at pagnanais para sa koneksyon sa iba. Tuwid na nakalalarawan dito ang iyong mga ambisyon at ang iyong mga pag-aalala. Ang mas madilang mga simbolismo ay nagmumungkahi na may mga bagay na kailangan mong pag-isipan nang mas mabuti, lalo na ang iyong mga layunin at ang iyong kapaligiran. Ito rin ay isang paalala na sa kabila ng mga pagsubok, may mga pagkakataon na dumarating, at ang iyong mga koneksyon sa komunidad ay mahalaga sa pagbalik sa iyong tamang landas.
Sa huli, ang panaginip ay maaaring ituring na isang mensahe na nagmumungkahi na, kahit na ang buhay ay puno ng mga digmaan at hamon, palaging may puwang para sa pag-usbong at pagdiriwang ng mga mabuting bagay.